Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ma Lorena Sigua, NPA finance officer

NPA finance officer timbog sa Bulacan

IPINAHAYAG ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon na nadakip ng mga awtoridad ang top 1 most wanted person sa talaan ng PNP-PRO13 sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 19 Setyembre.

Kinilala ang suspek na si Ma. Lorena Sigua, 44 anyos, iniulat na finance officer ng New People’s Army (NPA), kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose del Monte, sa naturang lalawigan.

Inaresto si Sigua ng mga tauhan ng RIU3 (lead Unit) katuwang ang RIU13, TSD at ISOD, MIG 15 ISAFP, RID, PRO13, RID, PRO3, Bulacan PIU, San Jose Del Monte CPS, Marilao MPS, San Rafael MPS at RHPU4A-SOT sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng murder na nilagdaan ni Acting Executive Judge Lou A. Nueva, ng Bayugan City, Agusan del Sur RTC Branch 7, may petsang 10 Hulyo 2019,  at walang itinakdang piyansa.

Lumitaw sa imbestigasyon, si Sigua ay miyembro ng Regional Operations Command ng North Eastern Mindanao Regional Committee na iniuugnay sa mga miyembro ng Guerilla Front 21 ng NEMRC na sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay kina CAA Bebot Bayong Sag-ob at PFC Jerald Dela Cruz Giron noong 22 Abril 2018 sa bisinidad ng Sitio Virtudazo, Brgy. San Juan, lungsod ng Bayugan, Agusan del Sur. 

Bago ang pandemyang dulot ng CoVid-19, nagtrabaho si Sigua bilang volunteer teacher sa Lumad Bakwit School na matatagpuan sa loob ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB).

Napag-alamang nagpunta rin siya sa New Zealand noong 2018 at nakipag-usap sa Auckland Peace Place. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …