Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dana Krizia Sandoval, Bureau of Immigration

Deserving ba si Dana Krizia Sandoval sa SIO promotion?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

TALK of the town sa buong main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros hanggang sa mga airport ang promotion nitong si Office of the Commissioner spokesperson Dana Sandoval, a.k.a. Ms. Dada, bilang Senior Immigration Officer (SIO).

Ayon sa isang beteranong IO, halos mabali nga raw ang kanilang leeg sa kaiiling nang malamang na-promote si ‘Ma’m Dana’ bilang Senior Immigration Officer (SIO).

        Wow ha!

Hindi naman daw sa minamaliit nila ang kanyang qualifications pero kung ikokompara sa ibang aplikante, wala raw ‘binesa’ ang serbisyo ni ‘Ms. Dada’ sa bureau.

Experience wise, ang ibang aplikante kompara kay Ms. Dana ay nai-assign sa iba’t ibang divisions, airports, at ‘yung iba nga ay naging hepe sa iba’t ibang opisina.

E si Ms. Dana umano ay diyan lamang na-assign nang matagal sa kansorsilyo ‘este sa Office of the Commissioner, sa ilalim ni Commissioner Jaime Morente.

At ang naging trabaho lang daw ay spokesperson na mahilig magpa-cute sa mga media interview?!

Awts! Ang harsh naman.

Maraming empleyado ang na-shock at hindi makapaniwala na sa dinami-rami ng mga deserving & qualified ay tinalo lang sila ni Dana?!

Sabi pa ng isang Intel officer, pakapalan na lang daw ng mukha ‘yan. Ang importante ay nakuha niya ang gusto n’ya! E ‘di ikaw na!

Hindi kaya nabibingi ang OCOM at ang DOJ sa tanong na, “ano raw ba ang ‘agimat’ na ginamit ni Ms. Dada kina kay Comm. Morente at SOJ Guevarra?”

Pakisagot na nga po A/C Toby Javier!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …