Thursday , June 4 2026

23 pasaway sa Bulacan sa kalaboso bumagsak

INARESTO ang pitong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, 14 sugarol, at dalawang iba pa sa sunod-sunod na operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan simula noong Lunes, 13 Setyembre, hanggang Martes, 14 Setyembre.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasakote ang pitong drug suspects sa buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bocaue, Calumpit, Plaridel, at San Jose Del Monte city & municipal police stations.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Gio Santos at Bernard Gio Santos, kapwa ng Brgy. Malibo Bata, Pandi; Darius Balingit ng Brgy. Sergio Bayan, Calumpit; Mary Ann De Leon ng Brgy. Caingin, Bocaue; Pedro Perez ng Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit; Jaime Santiago, alyas Kulot ng Brgy. Longos, Malolos; at Nikko Culaba ng Tala, Caloocan.

Nasamsam sa mga suspek ang 21 pakete ng hinihinalang shabu, apat na pakete ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana, coin purse, motorsiklo, at buy bust money.

Gayondin, nadakip sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng estasyon ng pulisya sa Bulakan, Meycauayan, Baliwag, at Pulilan ang 10 kataong naaktohan sa paglalaro ng billiard na ginawang sugal; dalawa ay naaresto sa paglalaro ng Lucky 9; at dalawa ay huli sa sugal na  cara y cruz.

Samantala, nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Jericho Galang ng Brgy. Panasahan, at Mark Joseph Sacdalan ng Brgy. Atlag, pawang sa lungsod ng Malolos, dahil sa reklamong frustrated homicide.

Nabatid na ang dalawang suspek habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ay pinagasaksak ang kanilang biktima dahil sa mainit na pagtatalo. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …