Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis, Yen Santos 
Paolo Contis, Yen Santos 

Tsinelas at tattoo nina Paolo at Yen, ebidensiya raw sa viral photos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TALAGANG hinanapan ng ebidensiya ng netizens ang pictures na nag-viral na sinasabing sina Paolo Contis at Yen Santos ang magkasamang nakita sa Baguio.

Ayon sa mga netizen, pareho ang suot na tsinelas at sandals nina Paolo at Yen nang makunan ng video sa Baguio City. Sinasabing si Paolo ang lalaki sa video at marami ang humuhula na si Yen ang babaeng kasama nito na nakahawak sa braso ng aktor.

Anang netizens, ang suot na tsinelas ni Paolo ang gamit nito habang nakaupo sa isang scooter at si Yen naman ay suot ang sandals nang mag-selfie at naka-peace sign.

Bukod sa Baguio na sinasabing nakita sina Paolo at Yen, nakunan din ang dalawa sa Manaoag church sa Pangasinan.

Pati ang tattoo nina Paolo ay pinagkompara. Ang tattoo ni Paolo sa kanang likod ng braso at si Yen naman sa kaliwang kamay.

Hanggang ngayo’y walang pagtanggi o pag-aming ginagawa sina Paolo at Yen ukol sa viral photos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …