Thursday , June 4 2026

Bakuna Bubbles kailangan munang pag-aralan — Abalos

Kinalap ni Tracy Cabrera

MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magka­roon ng vaccination target para sa popu­lasyon ng bansa.

Sa gitna ng pinaigting na vaccine rollout at vaccination program para sa Kalakhang Maynila, ipinanukala ng pribadong sektor ang tinatawag na mga ‘Bakuna Bubble’ para maprotektahan ang mga bakunado at hindi pa nababakunahan habang ang wala pang bakuna ay hinihimok na magpaturok ng available na CoVid-19 vaccine jabs.

Dangan nga lang ay kinontra ito ni Justice Secretary Menardo Guevara, na nagsabing “ang pagtatatag ng sinasabing vaccine bubble ay discriminatory at lumabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.”

“Imposing the proposal to segregate those fully vaccinated against CoVid-19 from the unvaccinated might face a legal challenge for discriminatory treatment,” punto ni Guevarra.

“If the proposal is implemented at this time, it can be challenged legally for being discriminatory,” babala ni Guevarra habang idinagdag na ang panukala ay wala sa panahon dahil hindi pa rin available ang mga bakuna sa maraming lugar sa bansa.

Ipinanukala rin ng priba­dong sektor ang mga ‘bakuna bubble’ para maka­tulong sa pagpapabalik ng ekonomiya na lubhang naapektohan ng mga quarantine restriction dala ng inisyatibo ng pamahalaan na mapigilan ang pagtaas ng bilang ng impeksiyon ng CoVid-19, partikular sa paglitaw ng variants of concern ng coronavirus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …