Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

2 tulak huli sa buy bust sa Navotas at Valenzuela

BUMAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela.

Ayon kay Navotas City chief of police, Col. Dexter Ollaging, dakong 9:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Apahap St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Matapos tanggapin ni Dennis Alvarez, alyas Dinay, 50 anyos, kilalang pusher,  ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakompiska kay Alvarez ang halos 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) P57,800 at buy-bust money.

Sa Valenzuela, dakong 9:45 pm nang maaresto rin ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo si Jerome Alonde, 29 anyos, residente  sa Purok 4, Orosco St., Brgy. Mapulang Lupa, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si P/Cpl. Maverick Jake Perez na nagpanggap na poseur-buyer sa buy bust operation sa Sapa St., Bisalao, Brgy. Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Ani SDEU investigator P/Cpl. Pamela Joy Catalla, nasamsam kay Alonde ang halos tatlong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P20,400, buy-bust money, P200 cash at coin purse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *