Monday , May 12 2025

Malaysian investor ‘inonse’ ng solon

ni ROSE NOVENARIO

ISANG partylist solon ang inireklamo ng Malaysian national dahil pinagbayad siya ng P5.2 milyong upa sa gusaling pagmamay-ari ng mambabatas ngunit hindi siya pinayagang okupahin ang estruktura.

Naghain ng reklamo sa Barangay Kapitolyo, Pasig City kamakailan si Chu Kok Wai, 38 anyos, kinatawan ng Globallga Business Process Outsourcing Inc., laban kay Diwa partylist Rep. Michael Edgar Aglipay bunsod ng pagtanggi ng mambabatas na palipatin ang kanilang kompanya sa Miguel Manor apartment building sa 88 San Pedro St., Kapitolyo, Pasig City kahit naka­pagbayad umano ng P5.2 milyon bilang two months advance payment at two months deposit.

Sa panayam, sinabi ni Chu, may three-year contract of lease silang nilagdaan ni Aglipay noong 07 Enero 2020, may bisa hanggang Enero 2023 na nagsasaad ng lahat ng napagkasunduan ng magkabilang panig kasama rito ang rentang P1.3 milyon kada buwan o P15.6 milyon kada taon.

Giit ni Chu, lahat ng requirements na nakasaad sa kontrata ay sinunod nila ngunit laking gulat niya dahil noong araw na lilipat sila’y hindi sila pinapasok sa gusali ng security guard sa utos umano ni Aglipay.

Sa nakalipas na mahigit isa’t kalahating taon, hindi umano nakipag-ugnayan kay Chu si Aglipay at hindi isinauli ng mambabatas ang P5.2 milyong nakuha sa kanya.

Si Aglipay ay chairperson ng Committee on Good Government and Public Accountability, anak ni dating Philippine National Police (PNP) chief ret. Gen. Edgar Aglipay at kapatid ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, maybahay ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Ang maybahay ng mambabatas na Aglipay na si Ginger Rosales-Aglipay ang chairman ng Aglipay Security Corporation na negosyo ng kanilang pamilya.

Sinubukan ng HATAW kunin ang panig ni Aglipay ngunit hindi tumugon ang mam­babatas hanggang isinu­sulat ang balitang ito.

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *