Thursday , June 4 2026
Iwa Moto

Iwa grabe ang pinagdaanan sa usaping mental health

GRABE pala ang pinagdaanan ni Iwa Moto ukol sa usaping mental health. Kinailangan niyang magpakonsulta sa dalawang Psychiatrist at tatlong psychologist.

Sa panayam sa aktres ng 24 Oras, inamin nitong isa ang mental health sa pinakamatinding pagsubok na hinarap niya sa buong buhay niya.

“Rati kasi rather than harapin ko ‘yung problema ko, I run away. Kasi nakakapagod, nakaka-stress, nakakaubos ng pagkatao,” sambit ni Iwa na ang unang nakapagpalungkot sa kanya ay ang pagkamatay ng kanyang ama noong 2009 at ang paghihiwalay nila ng dati niyang asawa.

Bagamat may mga sign at symptom na siya ng karamdaman, hindi ito pinansin ng aktres.

“Nagba-blackout na hindi ko alam ang ginagawa ko. Bago nila ako nabigyan ng findings, it took me two psychiatrists and three psychologists para lang ma-confirm what was the real problem,” pagbabahagi nito.

Taong 2017 nang malaman niyang mayroon siyang bipolar disorder with severe panic attacks at post-traumatic disorder. Kaya naman humingi na siya ng tulong ng Psychiatrist at Psychologist.

Sa ginawa niyang ito naging maayos ang kanyang pagtingin na sa buhay. Kaya na niyang makipag-usap sa ibang tao tungkol sa mga pinagdaanan niya .

Aniya, ”I’m not saying I’m perfect. I am far from being perfect but I am better right now.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …