Thursday , June 4 2026
IPINAKIKITA ni My Med Rx Plus Corporation President Jojo Soliman ang Favipiravir at Arbidol habang nasa Pure Force and Rescue Operation office sa Maynila. Ginagamit ang dalawang antivirals drug bilang clinical trial na gamot laban sa CoVid-19 cases na tanging ang My Med RX Plus Corporation ang distributor sa bansa sa ilalim ng compassionate permit ng Food and Drugs Administration (FDA).

Favipiravir at Arbidol gamot kontra CoVid-19

SA PATULOY na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa Filipinas, inianunsiyo ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangang mga ospital at mga pasyente.

Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 hanggang 200,000 pasyente.

Aprobado ang dalawang naturang antivirals na gamot ng Food and Drug Administration (FDA) sa ilalim ng Compassionate Permit.

Nabatid, matagal nang gamit ang Umifenovir Arbidol at Favipiravir Avigan sa mga bansang Japan, Russia, China, at Amerika.

Pitong taon (Umifenovir Arbidol) at 20 taong (Favipiravir Avigan) gamot laban sa matataas na uri ng lagnat.

Inirereseta na rin ang mga naturang antivirals drug sa mga ospital sa Metro Manila at sa mga probinsiya sa ilalim ng FDA Compassionate Permit.

Pinaalalahanan aniya ng National Bureau of Investigation (NBI) at FDA na bawal ipasok at ibenta ang nabanggit na gamot nang walang kaukulang permit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …