Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon kay Fanny — This is not the end (Paalam Tita Fanny fake news)

DEPRESSING  at nakaiiyak ang latest update ni Sharon Cuneta sa kaibigang si Fanny Serrano. Sa huling post ni Shawie sa Instagram account, naka-life support na si Fanny.

“HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him,” bahagi ng post ni Sharon kalakip ang litrato na inaayos ni Tita Fanny ang buhok niya.

Nakadudurog ng puso ang sumunod pang pahayag ni Sharon na nangako sa kaibigang aalagaan hanggang sa huling sandali ng buhay.

“BUT THIS IS NOT THE END I want for you…I know it is all God’s call and His decision but I wish you weren’t  in this situation,” saad pa ng megastar.

Eh sa sitwasyon ngayon ni Tita Fanny at sa kamamatay na designer friend na si Rocky Gathercole, hindi mapigilan ni Shawie na magtanong ng, ”Bakit ba ‘yung mga pinakamamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang?

“PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag naman po sana, Lord,” ani Sharon.

Inaasam-asam ng megastar na hihintayin siya ng kaibigan upang mayakap at mahalikan at ipaalala kung gaano nito siya kamahal.

“Para na kitang nanay. I love you so much…” sabi pa ni Shawie.

Patuloy lang po nating ipagdasal na malampasan ni Tita Fanny ang krisis na ito sa kanyang kalusugan.

PAALAM
TITA FANNY
FAKE NEWS

“Buhay pa siya!” Ito ang tila gustong isigaw ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post kahapon ng umaga laban sa fake news na lumabas na patay na si Fanny Serrano.

Isang netizen ang nagpakalat ng picture ni Fanny na may caption na ”Paalam tita Fanny. Isa sa mga taong nagturo at nakitaan tayo ng potensyal noong araw na nagsisimula pa lamang tayo. You may Rest in Peace…” ang inirepost ni Sharon para linawing hindi totoo ang balitang ito.

Giit ni Sharon, ”This is circulating now. It is fake news. May malay daw si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko sya kahit di sya makasagot. Please help us spread the word that he is still with us. Buhay pa sya. And to those who have nothing better to do, this is not the time to be assholes okay? Sorry pero ang sasama nyo!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …