Sunday , May 19 2024
marijuana

2 timbog sa P.3m damo

DUMAYO para magbenta ng damo ang dalawang tulak na nabisto nang makuhaan ng mahigit sa P300,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jerich Frane Hernadez, 19 anyos, at Lloyd Paloyo, 21 anyos, kapwa residente sa Brgy. Buting, Pasig City.

Ayon kay P/Cpl. Elouiza Andrea Dizon, dakong 7:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Northern Police District (NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Jerry Garces sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Macario Loteyro ng buy bust operation laban sa mga suspek sa loob ng Victory Mall Parking Lot sa Brgy. 72 ng nasabing lungsod.

Nakapagtransaksiyon sa mga suspek ni P/Cpl. Ferdinand Azis Dansal na nagpanggap na buyer ng P19,500 halaga ng marijuana.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng marijuana, agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang tatlong kilo ng pinatuyong marijuana with fruiting tops, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 19 pirasong P1,000 boodle/money, asul na eco bag at cellphone.

Matagal nang sinusubaybayan ang mga suspek dahil sa pagbebenta ng marijuana sa nasabing lungsod na isinasagawa sa loob ng mall.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagla­bag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (R. SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *