Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Virtual set sa Centerstage kaabang-abang

LAGING pasok sa trending list tuwing Linggo ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage dahil sa mas tumitinding labanan ng aspiring Bida Kids.

Sa nakaraang episode, bilib na bilib ang Kapuso viewers sa pinakabagong grand finalist na si Colline Salazar dahil sa kanyang powerful performance ng kantang  Memory.

Umani ito ng positive feedback mula sa netizens na talaga namang nakatutok sa kani-kanilang mga tahanan.

Inuulan din ng papuri ang programa online dahil sa husay ng concept pati na rin ang galing ng mga host at judges.

Sey ng mga manonood sa social media, ”Sulit ang panonood ng Centerstage! The set, the talented kids and the versatile at gwapong host!” 

Dagdag pa ng iba, “Kudos to Centerstage for giving equal opportunities to kids.”

Samantala, excited na rin ang Centerstage fans sa grand reveal ng kanilang virtual set na first time masasaksihan sa Philippine TV.

Simula February 28, gagamit na ng makabagong teknolohiya ang show para patuloy na maghatid ng world class entertainment para sa mga Kapuso.

Buong pagmamalaki ni Alden Richards, ”Another first na naman ‘to, another breakthrough ng GMA, the first television show to use a virtual set. ‘Yung virtual set kailangan abangan nila ‘yan.”

Huwag na huwag pa­lala­mpasin ang mas pinabonggang Centerstage simula sa Linggo, Pebrero 28, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …