Thursday , June 4 2026

Alyado ni Erice wanted sa tax evasion

HATAW News Team

PINAGHAHANAP ngayon si Konsehal Alexander Mangasar ng Caloocan City matapos lumabas ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan RTC Branch 126 para sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of Justice (DOJ).

Si Mangasar ay may pagkakautang sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 income tax at P1,416,004.12 value added tax, kasama ang penalty at interest, na hindi nabayaran ng kanyang kompanyang Xander Marketing noong taong 2011.

Inilabas ni Acting Presiding Judge Misael Ladaga noong Lunes, 8 Pebrero ngayong taon, ang warrant of arrest.

Itinakda ni Ladaga ang bailbond sa P60,000 para sa pansamantalang kala­yaan ni Mangasar.

Ang reklamong tax evasion ay isinampa nina  revenue officers Marilyn Alonzo, Teresita Origen, at John Daniel Cruz nang paulit-ulit na binalewala ni Mangasar ang kanilang demand na bayaran ang orihinal na mahigit P1.3 milyon na pagkakautang ng Xander Marketing sa BIR.

Si Mangasar ay sinam­pahan ng kasong paglabag sa Section 255, Chapter 2 ng National Internal Revenue Code of the Philippines (NIRC).

Unang inimbesti­gahan ang Xander Marketing noon pang 2013. Sa kabila ng paulit ulit na demand ng BIR-Caloocan na kanyang bayaran ang pagkaka­utang ng kanyang kompanya, hindi ito pinansin ni Mangasar.

Pormal na isinampa ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang reklamo sa DOJ noong 2019.

Si Mangasar ay kilalang kaalyado sa politika ni Rep. Egay Erice mula sa ika-2 Distrito ng lungsod.

Tikom nag bibig ni Mangasar at hanggang sa kasalukuyan ay hindi ‘napaparamdam’ maging sa kanyang social media account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …