Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agot Isidro binira ng Duterte supporters

HINDI marahil alam ng singer-actress na si Agot Isidro last December 1, 2016 pa umeere ang magazine show na Byaheng Do30 sa GMA Regional TV channels sa Mindanao.

Si Davao City Mayor Sara Duterte ang host nito. Recipient ng Anak TV Seal at may special citation merit ang programa sa 42nd Catholic Masa Media Awards sa Best News Magazine category.

May headline na lumabas sa isang broadsheet at nagkomento si Agot tungkol dito. Devastating ang salita niyang ginamit mula sa isa niyang tweet sa Twitter.

Nang nag-check kami sa Twitter account ni Agot eh naka-private ito. Ibig sabihin, tanging mga follower lang niya ang puwedeng mag-access sa account niya.

Eh tila follower ng singer-actress ang broad­sheet o ‘di kaya eh ‘yung konektado rito. Kaya naisapubliko ang twet niya.

Siyempre, binira si Agot ng supporters ng Duterte administration. Nakatanggap siya ng maaanghang na comments!

Nag-fact check sana muna si Agot tungkol sa programa. Laman ng programa ang plano ni Mayor Sara sa Davao City at walang planong political ang GMA kahit matunog ang balitang number one sa survey si Mayor Sara sa contenders sa 2022 presidential election, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …