Wednesday , March 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima Donnas trending

PATINDI nang patindi ang mga eksena at rebelasyon sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas kaya naman hindi kataka-taka na lagi itong trending at patuloy ding namamayagpag sa ratings.

Sa katunayan, nitong Huwebes (February 4) ay nakakuha ang Prima Donnas ng overnight NUTAM People rating na 13.4%, ayon sa data ng Nielsen Phils.

Sa naturang episode kasi ay muling pina-DNA ni Jaime (Wendell Ramos) si Brianna (Elijah Alejo) matapos sabihin ni Lilian (Katrina Halili) na dalawa lang ang anak nina Jaime at Maita (Glaiza De Castro), sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ito ang dahilan kung bakit nabuking ni Jaime na isa palang pekeng Claveria si Brianna.

Bukod sa mataas na ratings, certified trending din ang nangyaring rebelasyon dahil sa loob lang ng ilang oras ay pumalo na ng mahigit 1 million views at number 4 trending topic sa YouTube ang eksena nina Jaime at Brianna.

Sigaw naman ng viewers at netizens na sana ay ma-extend o di kaya’y magkaroon ng book 2 ang serye.

Patuloy na tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA-7.

(JOE BARRAMEDA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Megan Young Mikael Daez Leon BTS

Megan at Mikael nanood ng concert ng BTS sa Korea 

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD ng South Korea ang mag asawang Megan Young at Mikael Daez kasama ang kanilang anak …

Heart Evangelista Cecilia Ongpauco

Unang pag-ibig ni Heart Ibinuking ng Ina

I-FLEXni Jun Nardo NON-SHOWBIZ guy pala ang unang pag-ibig ni Heart Evangelista na iniyakan niya.  Ibinuking ng …

Caprice Cayetano

Caprice ‘lumaki’ ang pamilya nang maging Big Winner sa PBB 2

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS tanghalinh Big Winner sa season 2 ng PBB Celebrity Collab  …

Dianne Medina Rodjun Cruz DM Studios

Rodjun sa mga nagla-live selling na artista: ‘di totoo na wala kang trabaho, laos ka 

MA at PAni Rommel Placente PANGARAP pala noong bata pa lang ng aktres-TV host-content creator, …

 Rodjun Cruz at pinsang si Maxine Medina, ang DM Studios

Dianne, Rodjun, at Maxine nagtayo ng live selling company 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging successful  live seller, mayroon ng sariling live selling company …