Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

8 tulak, huli sa P.2-M shabu

WALO katao na pawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang dinakip matapos makompiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat  ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 2:30 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba  sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Robin Santos sa J. Martin St., Brgy. Pasolo.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Samonte, alyas Tisoy, 45 anyos, residente sa Palamores St., Brgy. Coloong; at Michael Santos, 47 anyos, residente sa Santos Compound, Malinta Bukid matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu si P/Cpl. Ed Shalom Abiertas na nagpanggap na buyer.

Nakompiska sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, buy bust money, P2,750 cash, 2 cellphones, motorsiklo, bisikleta at coin purse.

Nauna rito, dakong 11:30 pm nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa N. De Galicia St., Brgy. Maysan sina Sahlee de Galicia, alyas Boss, 49 anyos; Enrico Pamintuan, 49 anyos; Reynaldo Eugenio Jr., 31 anyos; Rogelio Camuñas, Jr., 52; Alberto Fermin, 56; at Edgar Lancero, 48.

Ayon kay SDEU investigator P/SSgt. Carlito Nerit Jr., narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang nasa 6.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P44,200 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …