Thursday , December 26 2024

Bike for Press Freedom, ikinasa ng QC journalists

NAGDAOS ng “Bike for Press Freedom” ang ilang grupo ng mga mamama­hayag sa Quezon City, nitong Linggo.

Tinatayang nasa higit isang dosenang journalists at press freedom advocates mula sa AlterMidya, International Association of Women in Radio and Television-Philippines chapter, at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang sumama.

Nagbisikleta mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, patungong ABS-CBN Compound sa Sgt. Esguerra Ave., at saka nagtungo sa Roces-Ignacia Circle, na mata­tag­puan ang monumento ng newspaper publisher na si Don Alejandro Roces, Sr.

Matapos ito ay tumu­loy sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR), sa Commonwealth Avenue, para sa isang solidarity program.

May bitbit rin silang mga karatula na nag­papaabot ng kanilang pagsuporta sa press freedom sa bansa at may panawagan sa agarang pagpapalaya sa mga hinuling mamahayag na sina Frenchie Mae Cumpio at Lady Ann Salem.

Nabatid na si Cumpio ay mamamahayag sa Tacloban na nahuli dahil umano sa mga nakitang illegal possession of firearms noong 7 Pebrero 2020 sa isang joint police at military operations sa Tacloban City.

Habang si Salem naman ay nahuli sa parehong kaso sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City noong 10 Disyembre, pero na-dismiss ng korte ang kaso noong 5 Pebrero, ngunit hanggang ngayon ay nakakulong pa ang mamamahayag.

“Today, journalists and human rights defenders pedal together to symbolize our commitment to continue fighting for press freedom,” anang AlterMidya sa isang pahayag.

“We are united in our call: free Frenchie Mae! Free Lady Ann! Defend press freedom!” dagdag nito.

“These two arrests based on trumped-up charges are part of the upsurge in press freedom attacks not only against the alternative media, but on the whole sector of media practitioners in the country.”

Sa isang pahayag, sinabi ng NUJP na mayroong dumaraming persekusyon laban sa critical media ng puwersa ng pamahalaan.

“Journalism is not and can never be a crime. This is why the agents of the state resort to falsehoods and fabricated evidence in their efforts to silence the truth-tellers,” pahayag ng NUJP.

Sa naturang aktibidad, lumagda rin ang mga kalahok sa petisyon para sa pagbabalik sa ere ng ABS-CBN Network. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *