SINASABING malaki ang pagkakahawig ng baguhang male star sa isang dating sikat na matinee idol. Pogi rin naman siya talaga, at ang kaibahan, malinis siya sa katawan bukod pa nga sa katotohanan na wala siyang masamang bisyo. Ewan nga lang kung bakit hindi siya masyadong click sa fans.
Siguro sabi nga nila, hindi lamang siya nabibigyan ng tamang breaks. Kaya naman nagpilit siyang makakuha ng breaks. Pumatol siya sa mga showbiz beki na makapagbibigay ng break sa kanya, at sinasabi ngang lately, pinatulan din niya ang isang female executive na dating nabaliw pero iniwan din ng isang poging male star. Kaya ngayon siya ang kinuha niyon at ibinibigay sa kanya ang mga role na noong una ay intended sa original male star.
Pero sa kabila niyon, ”nagsa-sideline” pa rin siya.