Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, sinusundan si Kris; TV or movie, simulan na

IISA ang management company nina Kris Aquino at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang Cornerstone Entertainment, Inc. na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Kaya ang ilang netizens ay may iba na namang nabuo sa mga utak nila, sinusundan daw ni Bistek si Kris nang makita nila ang post ng una sa kanyang FB page na larawan niya na ang nakalagay ay, ‘Cornerstone welcomes Herbert Bautista’ nitong Linggo, Enero 10.

Ang caption ng dating politiko, ”Nakita lang po sa isang page. Happy Sunday sa ating lahat.”

Ang totoo, matagal ng Cornerstone ang nagpapalakad sa karera ni Herbert na kung hindi kami nagkakamali ay nabanggit niya ito sa premiere night ng pelikulang Nuuk nina Alice Dixson at Aga Muhlach noong Nobyembre 4, 2019 sa SM Megamall na idinirehe ni Veronica Velasco produced ng Viva Films.

Ang kuwento ni Bistek ay naghahanap siya ng magma-manage ng career niya noon dahil balik showbiz na siya at nabanggit namin ang Cornerstone na inayunan naman niya dahil ito ang ini-recommend sa kanya ni Kris.

Anyway, base sa pagkakaalam namin ay magkaibigan ang dalawa at kung anumang love ek nila noon ay isinantabi na nila dahil mas okay ang relasyon nila kapag friends lang dahil kapag may relasyon sila ay para silang aso’t pusa na laging nagde-debate.

Sa ganang amin ay parang bagay na bigyan ng movie project sina Bistek at Tetay.  Kaya lang, laging masama ang pakiramdam ng huli kaya baka abutin ng taon bago matapos ang pelikula dahil for sure ay hindi naman pupuwedeng straight 12 hours mag-shoot ang Queen of Social Media at hindi rin kami sigurado kung okay siya sa lock-in set up para sa health protocols.

Baka mas okay siguro kung TV series o show na lang dahil maganda ang rapport nila sa screen.

Teka, hindi kaya ito ang sinasabi ni Kris na may pinaghahandaan siya at kamakailan ay nabanggit niyang may good news na siya?

Ang caption niya sa post niyang larawang kinunan niya ang flowers and heart shape balloons na padala ni Kim Chiu, ”Alam na nating lahat super lampa ako! but there was no way to get a good picture of this beautiful arrangement from @chinitaprincess unless I stood on a chair no choice si Bimb but to keep me propped up since feeling photographer ang mama nya today.

“It made me think- maybe that’s what all of us need during these prolonged uncertain times- someone who will allow us, even support us as we climb with the assurance that they’ll be there to keep us steady, and even be ready catch us- come what may.

“Last night my prayer was ‘I surrender to Your will, God.’

“11 PM, Bimb woke me up, he was jumping & cheering and telling me to please turn on my phone (for better sleep, I turn off 1 phone where all my communication apps are, and my other phone is on airplane mode, I have several “sleep playlists” that are connected via Bluetooth to the sound bar in front of the TV, so there’s faint music until it’s time to wake up). I had to take the call I couldn’t be reached so they called him & my nurse because the news couldn’t wait.

“For now, all I can say is, let life continue to pleasantly surprise you and as you continue life’s journey, choose who you share the ride with. I LIKE my choice because I like & respect my co-passengers.

“Happy weekend! #lovelovelove.”

Any feedback from Bistek?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …