Thursday , June 4 2026

Palasyo ‘happy’ sa ilegal na bakuna ng 100k Chinese POGO workers

HINDI lang sa Presidential Security Group (PSG) natuwa ang Palasyo na ilegal na tinurukan ng CoVid-19 vaccine, nagalak din ang Palasyo sa 100,000 Chinese nationals sa Filipinas na binakunahan na rin.

Isiniwalat ni anti-crime advocate Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ang naturu­kan na ng CoVid-19 vaccines.

“Pero kung totoo man, ‘e ‘di mabuti — 100,000 less possible carriers of the coronavirus,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa Palace virtual press briefing.

Pero si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana ay inihayag na aalamin niya kung may katotohanan ang ibinulgar ni Ang-See.

“We’ll see what we can find out,” ani Sta. Romana.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …