CHRISTMAS wish ni Nora Aunor na sana’y magkasundo-sundo na sila ng kanyang mga anak. Gusto niyang maging masaya ang Pasko at makasalo ang mga apo niya.
May movie entry si Guy ang Isa Pang Bahaghari na ipinrodyus ni Harlene Bautista.
Mabuti nga may Nora Aunor na napasali sa Metro Manila Film Festival kahit paano may sikat na artistang masasabi. Karamihan naman kasi puro ‘the who’ ang mga kalahok.
Ipagtatanong pa kung sino ba silang mga bida sa naturang palabas na pelikula.
Sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino tuwing may film festival palagi na lang pabonggahan ang mga pangalan ng mga artistang naglalaban sa iba’t ibang kategorya.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales