Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean, binalikan ang pag-aaral kahit nag-aartista na

AYON kay Sean de Guzman, pangunahing bida sa Anak ng Macho Dancer, mula sa Godfather Productions ni Joed Serrano at sa direksiyon ni Joel Lamangan, nagsimula siya sa grupong Elevate (isang dance group), bago napunta sa Clique V (isang all male sing and dance group). Ang Clique V ay nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Len Carillo.

“Noong sumali po ako sa Circle of Ten, doon po ako nakita ni Nanay Len. Tapos, after po niyon, naging member na ako ng Clique V,” sabi ni Sean.

Ang Circle of Ten ay isang artista search. Naging produkto nito si Jennylym Mercado.

Tatlong taon nang member ng Clique V si Sean. Masasabi niya na mula nang maging member siya nito ay hindi siya nawawalan ng raket.

“Marami po kaming mga event, mall show, at nagkaroon na rin po kami ng concert,” anang binata.

Sa pagiging member ng Clique 5 ay mas na-enhance ang talent ni Sean. “Mayroon po kasi kaming acting and dance workshop. Nagbo-voice lessons din po kami.”

Nakatutuwa si Sean dahil sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career ay nagagawa pa rin niyamg mag-aral.

“First year year college na po ako ngayon. Dapat po, second year college na. After ko po kasing gumradweyt ng high school, tumigil muna ako, kasi nagraket-raket po muna.”

At dahil gusto talagang makatapos at maging isang degree holder, kaya naman naisipan ni Sean na bumalik sa pag-aaral. Sa Lyceum of the Philippines siya nag-aaral taking up Culinary Arts.

Noong bata pa lang si Sean ay mahilig siyang manood ng mga teleserye. Kaya nagustuhan na rin niyang umarte, na naging dahilan para pasukin niya ang showbiz.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …