PROBLEMADO ang Bulacan Governor Daniel Fernando sa ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbabawal ang pagtitinda ng paputok sa Bagong Taon.
Alam ng marami na sa Bocaue, Bulacan ito ginagawa at ikinabubuhay ng mga tao roon.
Sana pag-aralan muna kung kailan ito ipagbabawal para huwag namang mabigla.
Hindi naman lihim ang nakaraang kahirapang sinapit ng mga mamamayan na ngayon pa lamang nakatitikim ng biyaya. Bigla namang may ganitong balita.
Sana raw ay hayaan munang makapaghanda man lang ng ibang mapagkakakitaan ang mga tao roon para sa kanilang ikabubuhay. May cooperativa naman na tutulong sa mga mawawalan ng trabaho.
Pagbigyan naman muna silang makaahon sa kahirapan, anang actor politician.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales