Tuesday , March 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maitim talaga ang buto!

Grabe talaga ang sama ng character ni Aiko Melendez sa Prima Donnas.

Grabe ang pahirap na ginagawa niya sa character ni Katrina Halili na si Lilian Madreal na kanilang kinokoryente ng kanyang mga kaalyados hanggang mawalan ng malay.

Siyempre pa, kasama ni Aiko (Maria Kendra Fajardo) ang dalawa niyang alagad na tulad niya’y ubod rin ng sama.

Walang magawa si Donna Marie (Jillian Ward) na nakapiring ang mga mata kaya ang pagdaing lang ni Lilian ang kanyang naririnig.

Sa mansiyon naman, nagkainitan sina Donna Belle (Althea Ablan) at Brianna (Elijah Alejo). Akmang babasagin na sana ni Donna Belle ang mamahaling pigurin sa pagmumukha ni Brianna nang dumating si Lady Prima (Chanda Romero) at pinagalitan silang dalawa.

Drama to death na naman si Brianna kaya napaniwala na naman niya si Lady Prima.

Nakapanginginig ng laman ang kawalanghiyaan ni Kendra sa Prima Donnas. Parang ang sarap lamukusin ng kanyang pagmumukha o dukutin ang kanyang mga mata. Hahahahahahahaha!

Ganyan kahusay umarte si Aiko kaya dalang-dala niya kami sa kanyang matataray na eksena sa soap na ito na napanonood araw-araw sa GMA starting 3:25 pm.

Kung hindi n’yo pa ito napanonood, try watching it. Ang huhusay magsiganap ng mga artista, particularly sina Aiko, Katrina, at Chanda Romero.

Agaw-eksena rin ang pag-arte ni Elijah Alejo na gayang-gaya ang pag-e-emote ni Aiko at mararamdaman mo rin ang pag-arte ni Jillan Ward na laging in character.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Caprice Cayetano Heath Jornales

Will, Caprice nabili na ang kanya-kanyang dream car

I-FLEXni Jun Nardo MALAKI ang hawig ng Kapuso PBB Collab 2.0 big winner Caprice Cayetano kay Heart Evangelista. Nakita rin ni …

Jojo Mendrez Ronald Carballo

Ronald Carballo hindi uurungan demanda ni Jojo Mendrez

ni Allan Sancon MUKHANG tumitindi ang talakan nina Jojo Mendrez at Direk Ronald Carballo matapos magkasagutan sa show ni Roldan …

PBB Inigo Jose Carmelle Collado Eliza Borromeo Fred Moser Rave Victoria Reich Alim

Iñigo Jose inamin matagal nang ‘di nakikipag-usap sa ama, problema ng pamilya sa kanila muna

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKASUWERTE ni James Blanco sa anak niyang si Inigo Jose. Napalaki ito ng maayos …

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …