Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, bahagi na ng Ang Sa Iyo Ay Akin

GINULAT ako ng may isang pamilyar na artistang nakita kami sa ilang eksena ng bagong season ng Ang Sa Iyo Ay Akin. Na mas kilala namin bilang singer. Si LA Santos!

Bahagi na pala ito ng malaganap na programa ng Kapamilya.

Siya si Alfred. Classmate nina Hope (Kira Balinger) at kaibigan ni Jacob o Jake (Grae Fernandez) sa tinututukang serye.

Ang kuwento ni LA. Kung paano lumagpak sa  kanya ang naturang papel, “Ipinag pray ko po ito. Nag-try po kami magsabi/mag apply sa ABS prod team, especially with Ma’am JRBenitez. Nakita naman po ang acting ko po. Thank you po kay Father God, nagustuhan po nila ang acting role ko, kaya nabigyan po ng chance.”

Binu-bully ng mga kaklase o schoolmates niya ang mga unang eksenang nabungaran namin kay LA.

“Pinag-aralan ko po itong mabuti, para maging effective po. Ramdam ko po ang pagiging bullied, kasi galit po ako sa mga nambu-bully .

“Masaya po ako sobra. Sana po mapansin ang role ko kahit maigsi lang, para po magkaroon ng chance for bigger role. Praying hard po sana more teleserye, sana po tulungan n’yo rin po akong mag-pray.”

Kumusta siya sa panahon ng CoVid-19 at kalamidad?

“Mula po ng lockdown, feel na po natin ang hirap na dinadanas ng marami because of Covid, pati po sa mga frontliner. 

“For five months na po, nagpapamigay po kami ng NEW NORMAL KIT, sa mga kaya po naming mapadalahan… body bag po, alcohol, mask, at faceshields.

“This week po, kami pong mag pipinsan, nag-ambag ambag para po sa naapektuhan at binaha sa Marikina

“This week din po, ‘yung talent fee ko po sa ‘ASIAA’ pinamili po namin ng banig, kumot, at groceries, papadala po namin sa Bicol at sa Isabela.”

Ilang linggo na lang, Pasko na. Ano ngayon ang pananaw niya sa Dakilang Araw na ito?

“Christmas po is really for the family and sa mga mahal sa buhay, mahirap lang po ma-explain kasi ramdam ko po ang mga affected ng Covid, ‘yung mga nawalan ng mahal sa buhay, may mga sakit, at lalo po ngayon sa mga nasalanta ng bagyo. 

“Parati po kami nagpe-pray ng family ko, every night, hindi lang po para sa amin para na po sa lahat, lalo na ang mga nahihirapan.”

At alam na natin na si LA ang nagpapalaganap ng 7K Sounds para naman sa mga musikerong gagawa ng mga Pamaskong kanta mula sa sari-saring isla at rehiyon ng bansa.

Tutukan na siya sa ASIAA.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …