Thursday , June 4 2026

Liza soberano dapat tularan — Gabriela Party-list (Paglaban sa abuso, ‘di terorismo)

HINDI terorismo ang paglaban sa abuso.

Tinuran ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas bilang pagdepensa kay Kapamilya actress Liza Soberano laban sa isang vlogger na binansagan siyang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos lumahok ang aktres sa webinar ng Gabriela Youth na “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child” sa isang Facebook live session.

Hinimok ni Brosas ang publiko na maging isang Liza Soberano sa isang bansang pinamumunuan ng mga macho-pasistang opisyal.

“Hindi terorismo ang paglaban sa abuso. Be a Liza Soberano in this country being lead by macho-fascist officials,” ani Brosas.

Nanawagan din siya sa iba pang personalidad na gamitin ang kanilang platform upang isulong ang human rights na kailangan sa panahon ngayon lalo na’t mara­ming uri ng karahasan ang ipinangangalandakan ng pinakamatataas na opisyal ng pamahalaang Filipino.

“We call on more public personalities to use their platforms to promote human rights, something that is badly needed today amidst the many forms of violence being promoted by the highest officials of the land,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …