MAITUTURING na mga Makabagong Bayani ng Makabagong Henerasyon, may pandemya man o wala, ang mga celebrity businesswoman and businessman na buong pusong tumutulong at bukas palad sa mga kababayan natin.
Nariyan ang Frontrow owners na sina Raymond “ RS “ Francisco at Sam Verzosa na ngayo’y namamahagi ng computers, acrylic divider, free internet access, printing and computer maintenance para sa lahat ng estudyante sa buong Pilipinas.
Gayundin ang People Asia‘s Women of Style & Substance 2020 at CEO/President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na walang sawa at patuloy na tumutulong sa ating mga frontliner, mga ospital, at mga Filipinong nangangailangan ng tulong sa buong Pilipinas.
Kasama rin dito ang CEO/President ng CN HALIMUYAK PILIPINAS na si Nilda Tuason na namamahagi ng kanyang mga produkto katulad ng alcohol, disinfectant, sanitizer atbp.. sa mga frontliner, eskuwelahan, at kababayan natin sa buong Pilipinas.
Ang napaka-generous na mag asawang Pete at Cecille Bravo ng Iintele Builders and Development Corporation na tuloy-tuloy at walang sawa ang pagtulong sa ating mga frontliner, eskuwelahan, at sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.
Nawa’y mas maging natagumpay pa ang kani-kanilang negosyo para mas marami pa silang matulungang Filipino sa buong Pilipinas.
MATABIL
ni John Fontanilla