Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Pulis-kotong sa suspected drug personalities sa Bulacan, timbog  

ARESTADO ang isang pulis ng kaniyang mga kabaro matapos inguso na sangkot sa robbery-extortion activities ng mga pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang iskalawag na pulis na si P/MSgt. David Gatchalian na kasalukuyang nakatalaga sa Bocaue Municipal Police Station.

Dinakip ang suspek ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa pamumuno ni Director B/Gen. Ronald Lee.

Ayon kay Lee, ang suspek ay inaresto sa harap ng kaniyang bahay sa Mendoza St., Barangay Lolomboy, sa bayan ng Bocaue, dakong 6:45 pm noong Sabado, 22 Agosto.

Kasunod ito g entrapment operation na ikinasa ng mga tauhan ng PNP-IMEG sa pag-asiste ng Marilao Municipal Police Station (MPS), PIB Bulacan at 82nd SAC-PNP Special Action Force.

Ani Lee, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa gawain ng suspek na takutin ang mga kilalang drug personalities at manghingi ng pera kapalit ng proteksiyon sa kanilang ilegal na aktibidad.

Dinakip ang suspek matapos tanggapin ang P10,000 halaga ng boodle money na may marked bill at isang Samsung cellphone mula sa isang complainant.

Kasunod sa pagkaaresto sa suspek ay nag-utos si P/BGen. Rhodel Sermonia, PRO3 regional director, na magsagawa ng imbestigasyon laban sa kaniya at inatasan ang RID PRO3 na makipag-ugnayan sa PNP-IMEG sa pagsisiyasat sa posibilidad na ang suspek ay may kasabwat na ilang opisyal ng pulisyan sa  ilegal na gawain. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *