Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eric Fructuoso, maraming na-fake sa pagpasada ng tricycle

NAG-VIRAL ang picture ni Eric Fructuoso na namamasada ng tricycle. Hinangaan nga siya ng netizens dahil hindi niya ikinahihiya na pasukin ang pamamasada.’Yun pala ay hindi totoo.

 

Sa ipinost na video ng aktor, ipinaliwanag niya ang tungkol sa larawan niyang nagda-drive ng tricycle. Nais niyang iparating ang mensahe na, ngayong pandemya, hindi kailangang ikahiya ang anumang trabaho basta’t marangal.

 

“Sa panahon kasi ngayon, hindi ka pwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin. Basta pagkakakitaang legal, para sa pamilya, tirahin lang nang tirahin.

 

“Because I believe by example. Ibig sabihin, magiging good example tayo sa kapwa. Hindi natin ikahihiya pa kung ano ang ginagawa natin. Kasi may iba, nahihiya ang magbenta-benta, nahihiya sa pagde-deliver ng kung ano-ano. Huwag kayong mahihiya. At least, kikita, ‘di ba?

 

“At saka kailangan hangga’t hindi sila ang nagpapakain sa inyo, huwag niyo silang intindihin,” sabi ni Eric.

Paliwanag pa ng aktor, may ibang tao kasing minamaliit ang ibang trabaho, kagaya ng pagiging tricycle driver o janitor.

 

Sa huli, sinabi ni Eric na huwag ikahiya ang anumang trabaho hangga’t walang sinasagasaan, at ginagawa ito sa malinis na paraan.

 

Tama naman si Eric ‘di ba? Pero marami siyang napaniwala na namamasada talaga siya ng trycicle, huh!

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …