Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, ginawan ng kanta sina Nora, Angeline, at Sarah

PARA maiwasan ang depression, gumagawa ng mga awitin ang singer/composer Gari Escobar.
Magandang paraan nga ito para malibang at makalikha ng magagandang awitin na base mismo sa kanyang personal na karanasan.
Last yesr ay naglabas ito ng kanyang album na ipinamahagi ng Ivory Music na naglalaman ng 12 songs. Ito ay ang Baguio, Dito Sa Piling Ko, Tama Na, Habang Nandito Pa Ako, From Friends to Lovers, Hanap Ko Pa Rin, Ayoko na Sayo, Ayaw Kong Makita Ka, “Hindi Ka Na Muling Mag-iisa, Isang Halik Pa, Masisisi Mo Ba, at ang Lumaban Ka.
At ngayong marami na siyang komposisyong nagawa, handa na siyang ipakanta ito sa mga kapwa niya singer tulad nina Nora Aunor na kanyang paborito, Sarah Geronimo, Angeline Quinto atbp..
Bukod  sa pagiging singer at composer ni Gari, ay isa rin itong licensed real estate broker na noong 1990 ay isa sa top brokers sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Ngayon ay may matagumpay siyang online business, ang 4Life , na nagma-market ng mga produktong para sa immune system. Ang 4Life day ay member ng DSAP (Direct Selling Association of the Philippines).
May regular FB Live si Gari tuwing 8:30 a.m. para sa mga positibong bagay na kanyang ibinabahagi at pagbibigay ng oportunidad para sa bawat Filipinong nanonood sa kanya.
MATABIL
ni John Fontanilla
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …