Thursday , June 4 2026

The Voice Teens, 4 ang hinirang na Grand Champions

APAT na Grand Champions sa unang pagkakataon ang itinanghal sa katatapos na The Voice Teens noong Linggo ng gabi (Agosto 16). Ang apat ay sina Heart Salvador ng Alabang, Cydel Gabutero ng Negros Occidental, Isang Manlapaz ng Muntinlupa, at Kendra Aguirre ng Las Pinas.

Sila ang nakakuha ng pinakamataas na scores sa kanilang group performances na bawat isa ay nag-uwi ng P500,000 at bagong house and lot mula Lessandra.

Nagwagi si Heart ng final score na 40.83% para magtagumpay sa Kamp Kawayan, si Cydel na may 48.33% sa FamiLea, si Isang na may 45.83% sa Team Apl, at si Kendra na may 44.17% sa Team Sarah.

Para sa finale, kinailangang mag-perform ng top 12 teen artists sa group performances kasama ng kanilang coaches. Kinuha naman ang final score ng bawat isa mula sa 50% ng score ng kanilang sariling coach, at ang natitirang 50% mula sa average score na binigay ng tatlong coaches.

Bago ianunsiyo ang malaking makasaysayang sorpresa, ipinahayag ng host na si Luis Manzano na layuning matulungan ng ABS-CBN ang teen artists at ang kanilang mga pamilya na harapin ang kasalukuyang pandemya.

“Kami rito sa ABS-CBN ay naglalayong matulungan ang deserving teen artists pati ang kanilang mga pamilya para magkaroon pa ng kakayahang maharap at malagpasan nang matiwasay ang mga hamon na dala ng pagsubok na ito,” aniya.

Mainit ding pinag-usapan ang finale weekend kaya naman nag-trend ang official hashtags na #VoiceTeensFinale at #VoiceTeensS2Winner sa Twitter.

Dahil naman sa quarantine, nag-perform ang teen artists mula sa kanilang mga tahanan, samantalang nagkomento at nagbigay ng scores ang coaches sa pamamagitan ng Zoom.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …