Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, nanermon sa maagang birthday greetings

TAKANG-TAKA ang komedyanang si Kitkat Favia na maraming bumabati sa kanya kahapon ng ‘happy birthday’ gayung sa Setyembre 23 pa siya magdiriwang ng ika-33 taong gulang.

Nagsimula kasi na may lumabas sa FB memory page niya na binabati siya ng maligayang kaarawan ng kanyang Star Magic family na ikinatataka rin niya kung bakit lumabas gayong Agosto 17 palang kahapon.

At dahil trending na ang mga bumati sa kanya, nag-post na siya na sana magbasa muna ang lahat bago mag-share o magkomento.

“HINDI KO PO BIRTHDAY!!!’, Ito ang bungad post niya kahapon ng tanghali.

Dagdag pa, “San ba galing ang greetings nyo? BAKIT N’YO PO AKO BINABATI NA BDAY KO? ‘YUNG UMAKYAT NA POST MAY CAPTION NA SEPTEMBER 23 AT MAY DATE NAMAN.  BAKIT DI PO TAYO NAGBABASA NG CAPTION AT DATE? Ha hahaha?

‘’Kaya maraming nagiging fake news share-share at tatak sa utak e, anong nangyayari sa reading compre (comprehension) natin mga Pinoys? Hehehehehhe. MADALAS DIN ‘YUNG “WAS LIVE” magco-comment di daw sila pinapansin “WAS” nga oh ibig sabihin tapos na di ba?  Basa-basa tayo guys! Hahahah.”

Hayan, nag-sermon tuloy si Soraya Ray Banas aka Kitkat.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …