Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, nag-panic nang matengga sa bahay

NAPRANING si Alden Richards nang matengga ng ilang buwan sa bahay dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19.

Eh sa tulad niyang laging on the go at hindi nawawalan ng showbiz commitment, malaking adjustment ang ginawa ni Alden para mapanatili ang sanity sa daigdig niya.

Malaking tulong ang pagiging gamer ng Asias Multimedia Star upang mawala ang anxiety, stress, at pag-iisip habang nasa bahay lang.

“Sobrang hirap ng adjustments na ginawa ko. May sarili rin kaming health protocols kapag galing kami sa labas.

“Sa likod ng bahay kami dumadaan, nagdi-disinfect, naliligo, at nagbibihis. Maingat kaming lahat sa bahay,” saad ni Alden sa zoom interview niya bilang bagong ambassador ng Cosmo Cee ng BARGN Farmaveutical Phils. Inc.

Mapalad pa rin si Alden dahil kahit walang regular na trabaho eh may produkto pa ring kumukuha sa kanya.

Kapag nag-resume na ang trabaho, pangarap ng Kapuso actor na makasama sa isang movie si Bea Alonzo na nakasama niya sa isang TV commercial.

 ”Na-starstruck ako sa kanya dahil eversince, fan nila ako ni John Lloyd Cruz!” diin ni Alden.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …