Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra, napilitang magbenta ng sasakyan para makabayad ng  bills

NAGBENTA ng sasakyan si Alessandra de Rossi para may pambayad ng bills.

 

“Dalawa ‘yung sasakyan ko. Binili ko lang ‘yung isa pangrelyebo sa coding dahil nga kapag coding hindi ako lumalabas natatakot akong mahuli ng MMDA,” pahayang ng aktres.

 

Simula kasi noong Marso ay wala ng tinanggap na trabaho si Alesaandra kahit maraming offers dahil takot nga siyang magka-covid kaya walang pumapasok na income at puro palabas dahil hindi naman nahinto ang pagbabayad ng bills kasama na ang pagbili ng pagkain.

 

“Noong sinabing stay at home, tinotoo ko siya. And of course sa stay at home na ‘yon wala kang financial na papasok, it’s all palabas. Lahat ng projects tinatanggihan ko rin.”

 

Pero aniya, bayaran na naman ng bills ngayong buwan kaya nagbenta siya ng sasakyan.

 

Ang inaabangan ngayon ni Alessandra ay pagsilang ng pamangkin niya sa Ate Assunta de Rossi at bayaw niyang si Jules Ledesma.

 

“Sobrang excited kami as in ‘yung mommy ko sa Italy namimili na ng  baby clothes. Ang bilis ng mga pangyayari, ‘yung ganoon. Pero nandoon na rin ako kapag nanganak siya I think I have to be there,” say ng excited tita.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …