Saturday , November 23 2024

Direk Neal Tan, tahimik na tumutulong sa frontliners at homeless

ANG veteran director na si Neal Tan ang isa mga taga-showbiz na nagbibigay ng kanilang simpleng ambag para makatulong sa mga nangangailan. Kabilang na rito ang mga ordinaryong tao sa kalye, homeless, at frontliners natin na definitely, mga bagong bayani ng bayan na ang kategorya ngayon.

Sa kanyang tahimik at simpleng pamamaraan, binuhay ni Direk Neal ang bayanihan, na kilalang traits noon ng mga Pinoy.

Base sa nakita naming FB post ni Direk Neal sa mga nakaraang buwan, namigay siya ng loaf breads at personal na nagluto ng mga pagkain para ibigay sa covid19 frontliners, sa mga homeless, sa mga pamilya nangangailangan, at sa mga kapitbahay bilang simbolo ng bayanihan spirit.

Kamakailan, ito naman ang nakita naming FB post ni Direk Neal: “Few days ago I saw this man and three kids habang nagsisiksikan sa loob ng tryke na ginawa na yata nilang bahay, There was heavy rain, halos baha na sa paligid gustuhin ko mang bumaba ng sasakyan di ko magawa so I promise to myself na balikan sila. Nag-iisa lang siya nangalakal ang tatlo niyang apo. Kaunti man lang silang pwede kong ayudahan, at least may napakain kang iba, nabusog at napasaya. I always remember this great word of wisdom from Mother Theresa “If you can’t feed a hundred people then feed just one.”

Actually, sobrang low profile lang talaga ng mabait na director habang ginagawa ang pagtulong sa kapwa. Pero noon pa ay kilala na namin ang pagiging matulungin ni Direk Neal dahil lagi siyang tumutulong at umaalalay din sa grupo naming TEAM (The Entertainment Arts & Media).

Si Direk Neal ay isa sa resident director ng BG Films ni Ms. Baby Go. Ang pelikulang BigkisHomeless, at Balatkayo ang natatandaan naming nagawa niya kay Ms. Baby. Ilan pa sa nagmarkang movie ni Direk Neal ang Ataul for RentTarimaOFW, The Movie, at iba pa.

Bukod sa pagiging mahusay na writer/director, si Direk Neal ay astig din sa piano at isang magaling na painter. Kaya naging part din ng advocacy niya ang Art For a Cause na ang kanyang mga obrang binibili ng mga art aficionados ngayong pandemic ay itinutulong sa mga nangangailangan.

“Iyong pandemic paintings ko, puwedeng makita sa mga (FB) posts ko. Simula nang mag-quarantine at the very least, naka-sampu na siguro,” saad ni Direk Neal.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *