Monday , December 23 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Palasyo tikom-bibig sa 100K plus COVID-19 cases sa PH

KUNG dati-rati’y todo paliwanag ang Palasyo hinggil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, kahapon ay tikom ang bibig ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“We defer to DOH,” matipid na sagot ni Roque nang usisain ng media sa kanyang reaksiyon sa pagpalo sa 103,185 kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Inihayag ni Roque dakong 1:30 pm na nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “key cabinet members” upang talakayin ang liham sa kanya ng frontliners na humirit na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Mega Manila dahil kapos na ang kanilang kakayahan na tugunan ang public health emergency.

“The President will meet today with key cabinet members to discuss yesterday’s letter from the frontliners . I will make the proper announcement in due course,” ani Roque sa text message sa media.

Hanggang isinusulat ang balitang ito’y wala pang resulta sa naturang pulong.

Kamakalawa ng hapon ay nakipagkita ang mga miyembro ng gabinete sa mga kinatawan ng Philippine Medical Association,  Philippine Nurses Association, at Philippine Association of Medical Technologists upang talakayin ang mga isyu ng medical community sa gitna ng mga hamon ng COVID-19 ngunit ang grupong nanawagan para sa ECQ na Philippine College of Physicians ay hindi kasama sa meeting.

Kabilang sa mga nakipagpulong sa kanila sina Executive Secretary Salvador Medialdea; Health Secretary Francisco Duque, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade and Industry Ramon Lopez, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, National Task Force Chief Implementer Charlie Galvez, Jr., Deputy Chief Implementer of the NTF Vince Dizon, at iba pang senior government officials.

Sa press conference kahapon ng umaga, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Vice President of the Philippine College of Physicians (PCP), na hindi lang community quarantine ang kanilang rekomendasyon.

“Kailangan natin diyan ang isang extensive, comprehensive na estratehiya para mas epektibo nating makontrol ang spread ng COVID-19 infection. Kailangan isang direksiyon lang ang kapupuntahan ng bawat isa,” aniya.

Giit niya, ang implementasyon ng health measures ay hindi dapat iasa sa mga lokal na pamahalaan bagkus ay dapat gabayan ito ng Department of Health (DOH).

“We are the last line of defense, ‘wag na nating pabayaan na ang last line of defense natin ay bumagsak,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *