Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Lethal injection’ sa drug trafficker hiniling ni Digong

MAIGTING na isinusulong ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panawagan na ‘lethal injection’ ang ipataw sa mga mapapatunayang nagkasala ng heinous crimes kasama na rito ang mga big time drug trafficker.

Mukhang pursigido ang Pangulo na itulak ito sa loob ng kanyang huling dalawang taon bago bumaba sa puwesto.

“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Dangerous [Drugs] Act of 2002,” ‘yan ang mariing pahayag niya sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Nararamdaman natin ang hangarin ng Pangulo na linisin ang bansa laban sa ilegal na droga. Isa ito sa malaking laban na hinaharap hindi lang ng Pangulo kundi ng buong bansa.

Pero gaya nang dati, marami ang hati sa pagbabalik ng death penalty.  Marami ang naniniwala na marami ang magiging biktima ng inhustisya dahil hindi patas ang umiiral na batas sa ating bansa.

Sa kasalukuyan lang nga, hindi maayos ang mga buy bust operations kaya sa totoo lang kapag may mahusay na abogado ang mga akusado, nalulusutan nila ang kaso.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mas marami ang ‘nakalulusot’ kaysa naninindigan sa kanilang trabaho.

Kaya papabor lang ang death penalty sa ating bansa kung maayos ang pagpapatupad ng batas.

Kasabihan nga, sa Filipinas kapag wala kang pambayad sa abogado tiyak na ika’y makakalaboso.

Kung drug trafficker ang target ng ‘lethal injection’  paano tayo nakatitiyak na hindi gagapang ang milyones ng mga ‘drug lord’ para maibasura lang ang batas at kung sakali mang may death penalty ganoon din naman ang gagawin nila — influence peddling — sa rami ba naman ng kuwarta nila.

Sa madaling sabi, hindi magiging matagumpay ang ‘death penalty’ sa isang bansang ‘butas-butas’ ang sistema ng hustisya.

PAGBATI SA IKA-106
ANIBERSARY NG INC

BINABATI po natin ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagdiriwang ng kanilang ika-106 anibersaryo.

        Ginugunita po ang araw na ito at deklaradong special national working holiday sa bansa.

        Mabuhay ang INC! Mabuhay si Bro. Eduardo Villanueva Manalo!

        Nawa’y patuloy na pagpalain ng Dakilang Ama ang INC.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …