SOBRANG proud ang 70’s teenstar na si Ms. Maribel Aunor sa mga anak na sina Marione at Ashley Aunor dahil kapwa nakakuha ng nominations sa 33rd Awit Awards ang dalawa.
Ipinahayag ni Ms. Lala (nickname ni Maribel) ang pasasalamat sa Diyos at pagbati sa dalawang talented na anak sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Saad ni Ms. Lala sa kanyang bunsong si Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash:
Eto naman ang post niya para sa kanyang panganay na si Marione:
“Wow! From the first line up of nominees down to 5 finalists! So proud of you bebe ko @Marion Aunor parang nanalo ka na nyan at parang dumaan ka sa liit ng butas ng karayom congrats! Thank u Lord for this blessing!”
Si Marione ay isa sa pinaka-indemand ngayong singer/songwriter. Ang ilan sa mga hit songs niya ay ang-Pumapag-Ibig, Free Fall Into Love, I love You Always Forever, Akala, If You Ever Changed Your Mind, Fallen, at Delikado.
Nominado si Marione bilang finalists for Best Pop Recording para sa kantang Paasa. Mula Viva Records, ito’y komposisyon din ni Marione, at sina Marione at Civ Fontanilla ang producers nito.
Si Ashley naman after ng debut single na Mataba, nasundan ito ng Diyosa ng Kaseksihan na collaboration nila ng kanyang Ate Marione para sa kanilang Aunorable Productions.
ni Nonie Nicasio