PAGKATAPOS aminin ni Michael V. sa kanyang vlog noong Lunes, na positive siya sa Covid-19, may lumabas namang balita na patay na siya.
Pinagpasa-pasahan sa social media ang pekeng balitang ito. Buhay na buhay ang komedyante.
Nang makarating nga kay Michael V ang fake news sa kanya, ang reaksiyon niya ay, “Muntik ako mahulog sa kama!”
Grabe naman ang gumawa ng fake news kay Michael V. Lugar na ipagdasal na gumaling siya, ang gusto pang mangyari ay mamatay siya. Pero dahil sa fake news na namatay na siya, tiyak makasu- survive siya sa Covid at hahaba pa lalo ang buhay niya.
MA at PA
ni Rommel Placente