MAS enjoy si Arra San Agustin na maraming ginagawa at pinagkakaabalahan.
Sa interview ni Arra sa Unang Hirit, sinabi niyang magiging productive siya at walang sasayanging oras habang naka-quarantine sa kanilang bahay ng ilang buwan.
Aniya, “So, ang dami kong naisip na pwedeng gawin. Nag-start ako with baking, playing musical instrument, ‘yon. I learned the basics of ukulele… until now, basics pa rin naman. It’s just that I learned a few more songs. Siguro two years ago ko binili ‘yung instrument ko. And then I started learning via YouTube. Tapos ngayon parang pampakalma lang o pampa-relieve ng stress.”
Nag-enroll din siya sa online baking class para may matutuhang bagong skills habang hindi pa nagre-resume ang tapings ng mga programa.
Rated R
ni Rommel Gonzales