NOONG July 14, Martes, tuluyan nang nagsara ang ABS-CBN. Hindi kasi pinaboran ng Kamara ang application ng franchise renewal nito. Kaya naman nawalan ng trabaho ang 11,000 empleado ng Kapamilya Network, pati na rin ang mga artistang nasa pangangalaga nito.
Isa si Sharon Cuneta sa sobrang nalungkot sa nangyari sa Dos.
Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account noong Martes tungkol sa pagsasara ng nasabing network.
Aniya, “Ngayon lang ako nag-post tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko, iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko.Parang sinunog ang bahay namin.Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito.”
MA at PA
ni Rommel Placente