Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayora Donya Tesoro inirereto kay Mayor Vico Sotto (Bea at Gretchen wala na raw pag-asa)

Dahil parehong single sina Bea Alonzo at Mayor Vico Sotto ay marami ang nag-iilusyon na magkakatuluyan ang dalawa. First time nag-meet sina Bea at Mayor Vico nang ihatid ng una ang ilang sakong donasyong bigas at relief goods mula sa kanilang I Am Hope’s Foundation pero tampulan na ng tukso ng netizens ang dalawa at sabi ay bagay na bagay raw ang actress at ang batang politiko na anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.

Sa kilig ng ilang netizens na obyus na parehong supporters nina Bea at Mayor Vico ay binigyan na ng pangalan ang kanilang loveteam na “Be-Vico” at “Bey-Vico.”

Pero tila may umeeksena, at may bagong babae na ikinakabit sa pangalan ngayon ni Mayor Vico na si Mayora Donya Tesoro na incumbent Mayor ng San Manuel, Tarlac and in all fairness ay hindi rin pahuhuli ang beauty ni Mayor Tesoro sa magagandang celebrity.

Nasilayan ang ganda ni Mayora nang maglaro siya sa Bawal Judgemental sa Eat Bulaga. At dahil nakita

siya ni Bossing ay may chikang pabor daw ang veteran TV host-comedian sa nasabing mayora na hindi pa man ay iniintrigang umano’y may asawa at isang anak.

Pero sa FB ni Mayora Donya ay single naman daw, so may pag-asa pa si Mayor Vico kung saka-sakaling manligaw siya sa babaeng alkalde.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …