Thursday , June 4 2026
Cebu

Cebu City nagmukhang epicenter ng COVID-19

SA hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), tila ang Cebu City na ang maituturing na epicenter ng sakit sa bansa, ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Aminado si Año, nababahala sila sa rami ng impeksiyon at bilang ng mga namamatay dahil sa sakit sa lungsod kaya higit nila itong tinututukan ngayon.

Paliwanag ni Año, kompara sa Metro Manila, na maraming kaso ng pananalanta ng pandemya, mayroon namang 17 LGUs ang Cebu City na maraming kaso ng karamdaman, gayong iisang lungsod lamang ito.

“Yes, more likely because of the rate of infection… In Cebu City, just one city, so if you compare it to the National Capital Region where we have 17 LGUs… in Metro Manila we have 356 (bagong kaso ng sakit) while we have 131 in Cebu City, so you can just see the number,” paliwanag ni Año.

“Cebu City is taking a lot of new cases. We are worried with the number of deaths also. That’s why we put up a task force in Cebu led by Secretary [Roy] Cimatu as directed by President Rodrigo Duterte,” aniya pa.

Kasalukuyang naka-lockdown ang Cebu City, na nakapagtala na ng 4,962 COVID-19 infections, kabilang ang 2,596 recoveries at 156 binawian ng buhay. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …