Friday , May 17 2024

Alden, na-sindikato online

NAGBIGAY babala si Alden Richards sa lahat ng mga kaibigan, fans at supporters niya dahil sa isang pekeng Facebook page na nanloloko  at nambibiktima ng mga inosenteng netizens.

Isang sindikato online ang ang gumawa ng Facebook Page  gamit ang gamer tag name ni Alden na AR Gaming with matching picture niya bilang profile. Dito nagsisimula ang kanilang panloloko para makakuha ng salapi sa mga taong kakagat sa kanilang modus operandi.

Nang malaman ito ni Alden ay agad nag-post sa kanyang Twitter at nakiusap sa mga kaibigan at tagahanga na i-report ang pekeng account para hindi makapanloko.

Nag-post di si Alden sa kanyang FB account ng screenshot ng nasabing pekeng account.

“Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE.

“HELP ONE ANOTHER! Save the poorest of the poor especially those who are living on the streets only.

“Proceeds of this page will be used to help less fortunates! Please help me like, share, and follow the page.” 

Ini-repost ito ni Alden sa Twitter at nilagyan ng caption na, ”Fake account please report. [praying hands emoji].”

Agad na kumilos ang mga supporter/follower ni Alden at ini-report ang  fake account na mabilis na nawala.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

About John Fontanilla

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *