MAY sorpresa ang stars ng Love of my Life ngayong Biyernes (June 26). Samahan sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez sa isang masayang online get-together na sasagutin nila ang mga katanungan ng netizens tungkol sa pag-ibig at pamilya sa Let’s Talk Love.
Bumuhos na agad ang intriguing at nakatutuwang questions mula sa netizens at kanilang supporters gaya ng ‘Ano nga ba ang ideal age for marriage?’ at ‘Anong mga sakripisyo na ang ginawa mo para sa iyong pamilya?’
Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa cast ng teleserye at hindi na sila makapaghintay sa muling pagbabalik nito sa telebisyon. “Sobrang miss na po talaga namin ang ‘Love of my Life.’ Waiting to watch the continuation of your drama.”