NAKAGAWA ng kuwentong pambata si Rita Avila habang naka-quarantine kaya naman hindi niya namalayan ang pagka-lockdown natin sa ating mga bahay-bahay.
Sinikap ni Rita na makapag-post ng kuwentong pambata para malibang sila gayundin ang mga kabataan sa pagtigil sa mga bahay-bahay.
Nakatulong din ng malaki para huwag sila mainip ni Direk FM Reyes at anak na si Kate Louise ang pag-aalaga ng mga cute na aso at pusa. Marami silang alaga at nalilibang sa mga kalikutan ng mga ito.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales