Thursday , December 19 2024
PINANGUNAHAN nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Honey Lacuna, at Engr. Arman Andres ang groundbreaking ceremony ng P2.3 bilyong sampung-palapag na Bagong Ospital ng Maynila sa ilalim ng Build Build Manila program na may kabuuang 29,951 square-meters floor area, sa pagdiriwang ng ika-449 Araw ng Maynila. Ito ay mayroong 384-bed capacity, 12 intensive care units, at 20 priadong kuwarto. Nakadisenyo rin ang three-storey parking building at helipad. (BONG SON)

Groundbreaking ng Bagong OSMA isinabay sa ika-449 Araw ng Maynila

KARAGDARANG pasilidad para sa kalusugan ang isa sa prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaya’t masaya nitong inianunsiyo ang pagtatayo ng 10-palapag “Bagong Ospital ng Maynila (OsMa)” sa ginanap na groundbreaking ceremony kasama si Vice Mayor Honey Lacuna, sa paggunita ng ika-449 Araw ng Maynila.

 

Malugod na pahayagi ni Moreno, magkakaroon ng first class health care institution, state of the art,  flagship hospital ang lungsod na kayang makipagsabayan sa mga premyadong pagamutang tulad ng  St. Luke’s at Makati Medical Center.

 

Napag-alaman kay city engineer Armand Andres na hindi na kayang remedyohan pa ang lumang OsMa matapos ang ilang ulit na ginawang  renovation sa gusali.

 

Sa naganap na groundbreaking ay dumalo sina OsMa Director, Dr. Karl Oliver Laqui,  Architect Pepito Balmoris, at EENT head Dr. Jay Galvez, barangay chairmen Jim Adriano at Mark Delfin at city councilors mula sa 5th District.

 

Ayon kay Mayor Isko, nais niyang maramdaman sa itatayong Bagong Ospital ng Maynila, ang mahihirap na residente ng lungsod ay espesyal at tunay na maaalagaan sa isang ospital na first class ang serbisyo at mga kagamitan.

 

Nalaman kay Engr. Andres, ang itatayong ospital ay may 10 palapag sa loteng may sukat na 21,951 square-meter.

 

Napag-alaman na ang makabagong OsMa ay magkakaroon ng 384-bed capacity, 12 intensive care units (ICUs), 20 private rooms, spacious emergency room, helipad at iba pang esensiyal na pasilidad

 

Sa itaas na palapag, ilalagay ang maayos na tanggapan ng mga doctor, staff, at administration na target matapos ang modernong ospital sa loob ng isang taon at kalahati, ayon kay Andres.

 

“I would want the poor patients to feel that they are being well taken care of up to their last breath and that they have been provided with the best medical care possible in a hospital that is airconditioned, clean and beautiful,” ayon kay Isko.

 

“Hindi kailangang public hospital e public din ang itsura. Ang isang mahirap, makaramdam man lamang ng tunay na pagkalinga sa kanyang huling hininga man lang, ‘yun ang goal natin,” giit ng alkalde.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Andres na kasama sa planong rehabilitasyon ng OsMa ay pagtatayo ng school building na katabi ng ospital para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine upang bigyan ng oportunidad ang mga produkto ng PLM na maging doktor at nurse sa hinaharap. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *