Thursday , June 4 2026

Boyet, may pa-Father’s Day sa Magpakailanman

TAMPOK si Christopher de Leon sa upcoming Father’s Day special episode ng Magpakailanman.

Dahil nalalapit na ang Father’s Day, hatid ng real life drama anthology na #MPK  ang kuwento ng isang ama na walang atubili sa pagtulong kahit siya mismo ay kapus-palad din.

Tampok sa episode na pinamagatang Ama Namin: The Jesus ‘Boy’ Parungao Story ang beteranong aktor na si Christopher.

Gaganap siya bilang si Jesus, na nakipagsapalaran sa Maynila noong binata pa.

Hindi naging madali ang pamumuhay niya rito at naging palaboy pa bago nakilala si Lolita (Rita Avila) na tumulong sa kanya.

Malaki man ang agwat ng dalawa, nagkapalagayan sila ng loob at nagsimula ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga batang yagit.

Kalaunan, lumaki na ang kanilang pamilya dahil sa rami ng kanilang mga kinupkop.

Huwag palampasin ang special Father’s Day presentation ng Magpakailan, sa Sabado, June 20, 8:00 p.m. sa GMA.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …