Wednesday , May 8 2024
arrest posas

Senglot, kawatan na nanapak pa, kalaboso

IPINAHAMAK ng alak ang isang kawatan nang makipaghabulan sa mga tanod gamit ang ninakaw na bisikleta at nanapak ng opisyal ng barangay sa Valenzuela City,  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Ronnel Borromeo, 26 anyos, driver, residente sa Maypajo, Caloocan City.

Nahaharap sa mga kasong theft at direct assault, bukod pa sa paglabag sa ordinansang paggala at paglalasing.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am nang maganap ang pagnanakaw ng bisikleta sa Barangay Pasolo ng nasabing siyudad.

Nanonood ng telebisyon sa kanyang bahay ang nagreklamong si Raymond Velilla, 35 anyos, may-asawa, residente sa Dreamland St., Barangay Pasolo ng nasabing barangay nang makarinig ng kaluskos sa kanilang gate.

Nang tingnan ni Velilla ang kanilang bakuran ay napuna niyang naglaho ang kanyang bisikletang nagkakahalaga ng P15, 000 na nakatali sa kanilang bintana kaya’t agad siyang dumulog sa barangay hall ng Pasolo.

Agad sinuri ang closed circuit television (CCTV) camera footage at nakita si Borromeo na nakasakay sa bisikleta ni Velilla patungong Dalandanan, Mac Arthur Highway.

Dito nagsagawa ng follow-up operation ang mga tanod sa pangunguna ni Barangay Ex-O Carlito Mariano Martin, Jr., sa nasabing pamilihan dakong 1:30 am at namataan ang suspek  patungong Malinta, sakay pa rin ng nakaw na bisikleta.

Tinugis ng mga tanod ang lasing na si Borromeo at dahil sa kalasingan ay sumemplang ngunit hindi pa rin sumuko at nagtatakbo papuntang Marindal St., Barangay Rincon at iniwan na ang bisikleta.

Humabol ang mga tanod hanggang nasukol ang suspek  ngunit pumalag pa rin at sinapak si Martin kaya pinagsalikupan ng iba pang tanod saka inaresto.

Nang dalhin sa  Valenzuela Medical Center (VMC) para sa medical verification, positibong nakainom ng alak si Borromeo na idiniretso sa  presinto. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

050824 Hataw Frontpage

Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente  
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL

HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na …

Sa kontrobersiyal na leaked PDEA Report 
MARICEL UMAMING ‘COCAINE CONDO’ DATING SA KANYA

HATAW News Team INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano kahapon na pag-aari niya ang …

Sa Ayungin shoal
‘SECRET AGREEMENT’ LABAG SA KONSTI — MANILA SOLON

LABAG sa Saligang Batas ang sinabing kasunduan ng China at ng Filipinas tungkol sa pamamahala …

customs BOC

Kung walang sampol, anti-smuggling act na batas walang saysay — AGAP Solon

NANINIWALA si AGAP Partylist Rep. Nick Briones na walang saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand …

UAE royalties Artwork Lope De Vega basketball court Sta Cruz Maynila

Artwork ng mukha ng UAE royalties, atraksiyon sa Lope De Vega basketball court, Sta. Cruz, Maynila

ISANG kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahen ng mga lider ng bansang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *