Thursday , June 4 2026

Sylvia, miss na ang taping at paggawa ng pelikula

ISA sa nami-miss ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez ang pagti-taping at paggawa ng pelikula lalo’t sanay ito na ratsada sa trabahong ito.

Pero dahil sa Covid-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang taping at shooting ng pelikula lalo nang ma-test na positive sa Covid-19 at kalaunan ay mabilis namang gumaling.

At sa paggaling nito at nakapagpahinga ng maayos ay muli siyang gumawa ng mga bagay na love na love niya tulad ng pagluluto. Kaya naman super happy siya na naipagluluto na niyang muli ang kanyang pamilya.

Bukod sa pagluluto at habang hindi pa muling nagre-resume ang taping ng Pamilya Ko at sa pagpirma ng panibagong kontrata sa Beautederm abala siya sa FB Live ng Beautederm kasama ang mga tulad niyang ambassadors nito.

Malaki nga ang pasasalamat ni Sylvia sa owner and CEO/President of Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan dahil hindi lang siya nakatagpo ng boss kung hindi pamilya rito at sa buong pamilya nito.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …